Husband and I got my first dose of Sinovac Vaccine yesterday under A3 Category or yung may mga comorbidities. We both have hypertension kaya we secured a medical certificate before getting vaccinated.
- The best vaccine is the vaccine that’s available at ang available ngayon ay ang Sinovac. Sa dami ng covid cases natin ngayon, aarte pa ba ako?
- . Tulong ko sa sarili ko at sa pamilya ko – kung protektado ako, protektado din sila. Isa pa, pakiramdam ko makakatulong ito sa aking peace of mind kahit papaano at mabawasan ang anxiety ko.
- Tulong ko sa mga frontliners at sa sino mang makakahalubilo ko.
- Tulong ko sa bayan natin para maabot natin ang herd immunity.